Isang magandang araw sa inyong lahat!
Ito ang grupo sa deviantArt na ginawa para sa mga taong may gusto kay Inglatera, kay Pilipinas, at sa pag-ibig na maaaring mabuo sa pagitan nilang dalawa!
Maaaring mag-sumite ng mga fanart, fanfic, at cosplay tungkol sa dalawang karakter na ito galing Axis Powers Hetalia , ngunit siyempre, kailangang mayroon tayong mga limitasyon:
Pakiusap, isa po itong grupo para sa pagmamahal. Kung gusto niyo lang pong maghanap ng kaaway, huwag na lang po kayong sumali sa grupong ito. Pagkatapos niyong sumali sa grupo, maaari kayong mag-sumite ng mga gawa ninyo ukol kay Inglatera, kay Pilipinas, o hindi kaya tungkol sa kanilang dalawa, kahit hindi lantarang pinapakita na sila'y nagmamahalan. Sa una niyong pagkakataon na mag-post, ilagay ang unang gawa sa Featured folder. Sa susunod na pagkakataon na mag-susumite ka ng isang gawa, pakilagay na lang ito sa mga folder na angkop sa kanila. Maaari rin kayong magsumite ng gawa niyo na naroon si Inglatera, si Pilipinas, at iba pang mga nasyon. Ngunit pakilagay na lang ang mga ito sa folder na para sa kanila. Kung hindi kayo fan ng Hetalia ngunit gusto ninyo ang relasyon ng bansang Inglatera sa bansang Pilipinas sa totoong buhay, maaari parin po kayong sumali! Hindi naman namin kayo pipiliting mag-sumite dito e. Huwag na huwag nyo lang po kaming i-spam. Alam nyo naman po sanang hindi iyon nakakatuwa. Huwag po kayong mag-sumite ng mga gawang masyadong violente (kunwari, mga putol na ulo o bahagi ng katawan, o mga masyadong mahahalay na gawain). Alalahaning nyo po palagi na maraming mga minor de edad dito sa deviantArt. (At isa na ako doon.) Dahil ang Pilipinas ay isang orihinal na karakter at maaaring maging isang babae o lalaki, pwede kayong mag-sumite ng BL - pero sinabi ko na ang limitasyon ko ukol rito, hindi ba? Pareho rin ang limitasyon para kay Igiko at sa pag-susumite ng yuri.
Iyon muna para sa ngayon. Maraming salamat sa iyong panahon, at sana ma-enjoy niyo ang panahon ninyo sa grupong ito!
Pahabol na Sulat: Hindi ako ang nagmamay-ari sa Hetalia. Kay Hidekaz Himaruya ito. Hindi rin ako ang gumawa ng drowing sa group ID. Kay ito.
A good day to you all!
This is the deviantArt group made for the people who like England, the Philippines, and the love that can bloom between the two of them!
You can submit fanart, fanfic, and cosplay about these two characters from Axis Powers Hetalia, but of course, we still need to have some limitations:
This is a group exalting love. If you just want a fight, please don't join this group. When you first post to this group, you can put your work in the Featured folder. Subsequent uploads go to their respective folders. After you join the group, you can submit your works about England, Philippines, or the both of them, even non-shipping arts. You can also post your works that have England, Philippines, and other Nations; but please put them in the folder reserved for them. If you're not a Hetalia fan but like the real-life relationship of England and the Philippines, you can still join! We're not going to force you to do anything for us anyway. Please don't spam us. I hope you all know that's not a good thing to do. Please don't submit something too violent (for example, severed heads or body parts, or activites that are too lascivious). Please always remember that there are many minors here at deviantArt. (And I'm one of them.) Because the Philippines is still an original character and may be a girl or boy, you can submit BL - but I already told you my limitations about this, right? Ditto with Igiko and the issue of yuri.
That's all for now. Thanks for your time, and I hope you enjoy your time in this group!
Postscript: I do not own Hetalia. It belongs to Hidekaz Himaruya. And I do not own the art in the group ID. It belongs to . |